Lagi kami nagtatravel ni Tatay Frank nung wala pa si Toby. Pero nung nabuntis ako, siyempre priorities first, nag-ipon ipon muna kami at inasikaso si Toby. Kaya naman nung nagkaron ng chance na magstay sa Nurture Wellness Village dahil 4th wedding anniversary namin, siyempre ready agad kami!
Nag-book kami sa Nurture Wellness Village Tagaytay through Deal Grocer. Nakuha namin yung Superior Garden View Room nila with FREE breakfast for only Php4,500 instead of Php6,200. Okay na diba? Aside sa FREE breakfast, may kasama narin tong Farm Tour, Healthy Juice Making Demo and Coffee Roasting Demo. Masaklap lang, hindi namin nagawa yung Farm Tour dahil bumabagyo nung pumunta kami. (Ayun pa naman isa sa habol ko dito!)
But anyway, sobrang narelax naman kami ni tatay Frank sa getaway naming ito. We also availed their spa packages. Inavail ko yung Aruga Massage nila at si tatay Frank naman ay Hilot.
Panoorin niyo na lang tong video para malaman niyo ano mga nangyari sa trip na to: