Ano bang ang Virtual Assistance?
Ito ay isang online job na pwedeng pwedeng subukan ng mga nanay. Ang Virtual Assistant (VA) ay nagproprovide ng assistance o tulong sa mga businesses kahit nasa malayong lugar ito.
Napaka-in demand ng trabahong ito sa mga kumpanyang kailangan ng tulong pero ayaw na nilang magdagdag o kumuha ng staff na kailangan pa nilang bigyan ng lugar kung saan magtatrabaho. Makakamenos din sila sa kuryente at internet kung VA na lang ang kukunin nila.
Ano ang ginagawa ng isang Virtual Assistant?
Napakalawak nga lang ng job description nito kaya dapat willing kang mag-aral ng mga bagay na gustong ipagawa sa iyo ng client mo.
Pero kung ige-generalize natin, para kang magiging secretary pero online nga lang. Walang physical folders na isosort, pero maraming virtual folders na ioorganize. Maaaring taga-sagot ka rin ng telepono, pwedeng taga-ayos ka din ng calendar.
Hindi lamang clerical work ang pwedeng ipagawa sa isang VA. Pwedeng bigyan ka rin ng tasks sa marketing, book keeping, web design, etc.
Magkano ang sweldo ng Virtual Assistant?
Ang sweldo ng isang virtual assistant ay nagsisimula sa $3 hanggang $12 per oras. Depende sa level ng expertise mo. Kung full-time mo itong gagawin (ibig sabihin, 8 hours ka na magtatrabaho in a day), kaya mong kumita ng Php24,000 per month pataas.
Ano ang kailangan para makapag-apply?
Para maging Virtual Assistant, kailangan mong magkaroon ng laptop or desktop. May mga client na nagrerequire ng certain specs nito pero basta nakakapag-internet ka, may office apps (like Microsoft Offices, Google Docs, etc.), pwede mo nang subukan mag-apply.
Sa pag-aapply hihingan ka ng resume, cover letter o portfolio. Anu-ano ba ang mga ito? Ang resume ay isang document kung saan nakasaad ang basic information mo tulad ng buong pangalan, contact details, natapos na edukasyon at history ng trabaho. Ang cover letter naman ay isang liham o sulat sa inaapplyan mong kumpanya kung saan nagpapakilala ka at kung bakit ikaw ang dapat nilang kuning VA. Habang ang portfolio naman ay collection ng mga nakaraang gawa mo na related sa inaapplayan mong trabaho.
Kailangan mo rin ng payment gateway. Dito isesend sayo ng client mo ang sweldo mo. Maaaring through direct bank transfer, PayPal, Stripe, PayMaya, etc.
Tandaan
Kung ikaw ay isang full-time nanay at gusto mong subukan maging Virtual Assistant, tandaan na hindi ito magiging madali. Ang pagiging full-time nanay ay parang pagkakaroon ng dalawang full-time na trabaho. At kung idadagdag ang pagiging Virtual Assistant, para narin itong pagdadagdag ng ikatlo at ikaapat ng trabaho.
Huwag kakalimutan na pagiging nanay ang pangunahing trabaho. 😉
6 Responses
Nay, paano ang pag apply sa virtual assistant?
Sabagay mas matrabaho sa bahay at mas masaya kse dito mo naipapakita ang love mo s pag aalaga sa mga anak at asawa mo.
korak! 😉
If meron ka na ng mga requirements na nakabanggit sa article na to, pwede mo itry mag-apply sa upwork.com. Create ka ng account mo tapos browse ka ng jobs na gusto mo applyan. 🙂